Martin2

Speaker Romualdez: Kamara, popondohan ‘storm shelter’, solar power plant sa Pag-asa Island

Mar Rodriguez Oct 6, 2023
181 Views

MAGLALAN ang Kamara de Representantes ng pondo para maitayo ang mga mahahalagang imprastraktura na kailangan sa Pag-asa Island.

Partikular na tinukoy ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga proyektong storm shelter para sa mga mangingisda at mga sasakyang pangdagat na magkakaroon ng problema habang naglalayag, solar powerplant at ice at cold storage facility.

Sa isang pulong-balitaan matapos bumisita sa Pag-asa Island, sinabi ni Speaker Romualdez na nakita nila mismo ang mga hamong kinakaharap ng mga residente sa isla gayundin ang mga tauhan ng Armed Forces na nakadestino sa lugar.

“It’s clear that Pag-asa Island needs a development plan. The House of Representatives will take the lead in coming up with such plan, being the institution responsible for the national budget and national policies that need legislation,” sabi ni Speaker Romualdez.

Naniniwala si Speaker Romualdez na mapapawi ang pangamba ng mga Pilipinong mangingisda sa Spratlys na kilala din bilang Kalayaan Group of Islands kapag nagkaroon ng mga kinakailangang pasilidad ang mga ito.

Idinagdag pa ng Speaker na ang pag- agapay sa mga sundalo na nakatalaga sa lugar ay pagpapakita rin ng pag-tindig ng gobyerno ng Pilipinas para sa ipinaglalabang soberanya sa pinag-aagawang teritoryo.

“We toured the island and had lengthy conversations with our brave soldiers and kababayans in the community. This allowed us to get a first-hand account of what’s really happening on ground and what needs to be done by Congress to address local issues,” paliwanag ng lider ng Kamara.

Bago magtungo sa Puerto Princesa para magbigay respeto at dumalaw sa burol ng namayapang Mayor at Congressman Edward Hagedorn, namahagi si Speaker Romualdez ng mga solar lamp na may AM/FM radio sa mga sundalo at lokal na residente ng Pag-asa Island.

Kasama ni Speaker Romualdez na bumisita sa Pag-asa Island sina House Majority Leader Mannix Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan, at House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co.