PCO

College students hinimok sumali sa short film contest ng PCO

223 Views

HINIMOK ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga estudyante sa kolehiyo, pampubliko man o pribado na sumali sa short filmmaking competition nito kaugnay ng pagdiriwang ng Communications Month ngayong buwan ng Oktobre.

Ayon sa PCO kailangang sundin ng mga kalahok ang temang “Ano ang Bagong Pilipinas?” na magiging depinisyon ng temang Bagong Pilipinas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Walang limitasyon sa mga maaaring sumali. Ang video ay hindi dapat lumagpas ng dalawang minuto kasama ang kredito. Tatanggap ng entries hanggang alas-5 ng hapon sa Nobyembre 20.

“Participants are free to use any equipment for filming, ranging from smartphones to professional cameras. The emphasis should be on storytelling and creativity rather than on the sophistication of equipment,” sabi ng PCO.

Ang pelikula ay dapat MP4 o MOV digital format na ia-upload sa online platform gaya ng YouTube, Vimeo, at iba pa. Ang link ng video ay ipadadala sa [email protected].

Dapat ilakip sa entry ang pangalan ng mga kalahok, pangalan ng eskuwelahan, contact information, year level, at address ng paatalan. Lagyan din ng maikling paglalarawan ng pelikula at lagyan ng official hashtag #BagongPilipinas.

Dapat ay orihinal din ang entry at hiningian ng permiso ang paggamit sa mga copyrighted material. Ang pangongopya ay magreresulta sa diskuwalipikasyon.

Ang mga regional winner ay mananalo ng PhP50,000 para sa 3rd placer; PhP75,000 sa 2nd placer; PhP100,000 sa 1st placer at ang mga national winners ay tatanggap ng Crane M3s Gimbal, Sony ZV E10 + Kit Lens para sa 3rd placer; Macbook Air M2, Sony ZV E10 + Kit Lens para sa 2nd placer; at Macbook Air M2, Sony ZV E10 + Sigma 18-50 F2.8 lens, Rode Wireless Pro para sa 1st placer.