Calendar
House Deputy Speaker Duke Frasco pinangunahan inauguration ng bagong water system project sa San Francisco, Camotes
PINANGUNAHAN House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang inauguration ng bagong “water system project” sa Sitio Upper Bungtod na magbibigay ng napakalaking benepisyo at tulong para sa mga residente ng Baragay Campo Cebu City sa pmamagitan ng pagkakaroon ng sapat at maayos na water supply.
Sinabi ni Frasco na layunin ng kaniyang proyekto na magkaroon ng maasahan o sapat na “water supply system” para sa mga residente ng bayan ng San Francisco, Camotes partikular na sa lugar ng Upper Bungtod. Kung saan, ang mga naninirahan sa lugar ay dumadaing ng kawalan ng sapat na suplay ng tubig.
Nabatid sa House Deputy Speaker na ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P5 million para maibsan na sa lalong madaling panahon ang matagal ng problema ng mga residente bunsod ng kakapusan o kawalan ng maayos at maasahang supply ng tubig sa kanilang lugar.
Sinabi din ni Frasco na pagkatapos ng inauguration ng bagong water sytem project. Nagtungo naman siya sa Campo Integrated School sa parehong bayan para naman sa isasagawang “ground breaking ceremony” para sa ipapatayong 1 storey, 3 classroom building project na nagkakahalaga ng P10 million.
Ayon kay Frasco, ang pagpapatayo nito ng bagong school building ay upang ma-decongest o maibsan ang pagsisiksikan ng mga estudyante dulot narin ng kakulangan ng sapat na classrooms at magkaroon ng tinatawag na “better learning environment” para sa mga mag-aaral.
Kasabay nito, nag-donate din ang kongresista ng P40,000 para sa Parent’s Teachers Association (PTA) ng Campo Integrated School. Habang nagbigay din si Frasco ng P100,000 para naman sa San Francisco Schools District bilang bahagi ng pagdiriwang ng “World Teacher’s Day” at P24,000 para sa mga estudyante ng Campos Integrated School.