Apela ni Romero sa MMDA: Huwag munang ipatupad buong araw na coding sa MM

Mar Rodriguez Dec 26, 2023
195 Views

BUNSOD ng napaka-bigat na daloy ng trapiko ngayon Christmas seasonmymaapela si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na huwag munang ipatupad ang kanilang plano na “whole day color coding” sa Metro Manila.

Sinabi ni Romero, chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, na dapat pakinggan ni MMDA Chairman Romando Artes ang panawagan ng mga mamamayan sa Metro Manila matapos bahain ng apela ang kaniyang tanggapan kaugnay sa plano nitong isang buong araw na color coding.

Ipinaliwanag ni Romero na hindi talaga maiiwsan ngayong Kapaskuhan ang pagsisikip ng mga kalsada sa Metro Manila dahil sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon. Aniya, hindi lahat ng mga Pilipino ay kayang bumili ng pangalawang sasakyan bilang alternatibo sa color coding.

“We have two more Christmas and New Year weekends. When roads are expected to be crowded with vehicles, pagtiygaan na po natin for the sake of tens of thousands of workers and low-income Filipinos who do not have the luxury of owning a second vehicle for color coding purposes,” ayon kay Romero.

Binigyang diin pa ni Romero na maituturing na “anti-poor” ang ipapatupad na “wholeday color coding” ng MMDA sapagkat ang pangunahing maaapektuhan nito ay ang mga mamamayan na iisa lamang ang sasakyan.

Iginiit ng kongresista na hindi rin maituturing na matagumpay ang pagpapatupad ng color coding sa Metro Manila dahil sa kabila ng implementasyon nito ay patuloy parin ang pagsisikip ng mga kalsada bunsod ng kakulangan ng espasyo o space sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

“This restriction on the use of motor vehicles due to worsening traffic is a shared sacrifice. Let us not punish those who own just one car because that will translate into an advantage for those with multiple vehicles. My point is, let us not add to the sacrifice and suffering of families owning just one vehicle and who cannot afford to buy another car for coding,” sabi pa ni Romero.