Martin

Speaker Romualdez: 2023 patunay ng dedikasyon ng mga Pilipino sa pag-unlad, pagkakaisa at paglilingkod

Mar Rodriguez Jan 2, 2024
130 Views

ANG taong 2023 ay nagsisilbing patunay ng dedikasyon ng mga Pilipino para sa pag-unlad, pagkakaisa, at paglilingkod, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“As we stand on the threshold of a new year, I find myself reflecting with a heart filled with gratitude and hope on the transformative journey we, the Filipino people, have embarked upon in 2023. This year has been a milestone, a testament to our shared dedication to progress, unity, and service,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ng lider ng Kamara na ang mga tagumpay na natamo sa lilipas na taon ay natatangi at ang naging papel ng bawat isa upang mangyari ito ay mahalaga para mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.

“The achievements we have realized together are indeed remarkable. The commitment and hard work of each of you, as members of our community, have been pivotal in the passage of critical bills, measures, and resolutions addressing the varied needs of our nation. From economic reforms to social initiatives, these efforts have been about improving the lives of every Filipino,” saad pa ni Speaker Romualdez.

Nagpasalamat ang lider ng mahigit 300 kongresista sa bawat isa, sa kanilang dedikasyon at pangako na makibahagi sa tagumpay ng lehislatura na hindi lamang humubog ng kinakailangang polisiya kundi nagpalakas din ng demokrasya.

“Faced with challenges, you have stood resolute in your commitment to our country and our people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“As we look to 2024, let us approach it with a sense of renewed optimism and purpose. The challenges ahead are opportunities for us to innovate, collaborate, and build a nation that echoes the dreams and aspirations of every Filipino. Together, let’s continue to work towards a legislative agenda that responds to the pressing needs of our times,” dagdag pa nito.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Romualdez na magiging masagana ang hinaharap ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“His vision complements our collective desire for progress, and I believe that together, we will enter an era of growth, stability, and mutual success,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

“I wish every Filipino a Happy New Year. May this year bring us closer to realizing our national aspirations. Let’s continue to uphold the spirit of unity and service in the days to come. Mabuhay ang Pilipinas!,” dagdag pa nito.