Calendar
Women’s Month ipagdiriwang din ng PSC
MAKIKIBAHAGI at makikisaya ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagdiriwang ng Women’s Month sa pagtatampok ng mga mahahalagang papel ng kababaihan sa sports sa pinakabagong edisyon ng Rise Up Shape Up web series ngayong weekend.
Bibigyan ng kaukulang pansin ngayong March 5 ang mga importanteng personalidad sa likod ng matagumpay na programa at iba pang katulad na activities, gaya ni Gintong Gawad 2021 “Babaeng Lider ng Isport sa Komunidad” awardee Ma. Janelyn T. Fundal.
Si Fundal ay isa nang haligi sa sports education at management, ayon pa sa PSC.
Sa kanyang angking talento at galing na sinamahan pa ng hard work at dedication, si Fundal ay naging Education Supervisor for Physical Education and School Sports sa La Paz, Iloilo City.
Nagsilbi din siya bilang Provincial Government Department Head paraxsavIloilo Sports Development and Management Office nung 2017.
Sa March 6, magbibigay naman ang PSC ng kaukulang suporta sa International Women’s Day sa gagawing pagbibigay pugay sa mga natatanging women in sports mula iba’t ibang national sports associations.
“With women sports administrators comprising only a minority, their representation is all the more impactful. Their presence is a statement that women can break gender bias as sports is a male-dominated area, and women often have to deal with the glass ceiling,” pahayag ni PSC Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram.