BBM1

PBBM, First Lady Liza Marcos pinasinayaan Pasig Bigyang Buhay Muli project

Chona Yu Jan 17, 2024
114 Views

PERSONAL na pinasinayaan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos ang bahagi ng Pasig River Urban Development project sa Manila.

Nabatid na ang bahaging binuksan ay halos 500 metrong haba ng Pasig River Bank sa likod ng Manila Central Post Office Building.

Nasa P18 bilyong pondo ang inilaan sa proyekto na galing sa donasyon ng pribadong sektor.

Pinangalanan itong Pasig Bigyang Buhay Muli project na naglalayong i-transform ang Pasig River sa isang sentro ng economic activity, turismo at lugar para itaguyod ang connectivity ng transportasyon sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ang binuksang showcase area ay magsisilbing public park kung saan makikita ang walkway para sa pedestrian, may water fountain na may ilaw, at mga upuan kung saan maaring maging open air venue para sa ibat ibang events o okasyon.

Makikitaan din ang 50 kilometrong loop o paikot ng Pasig River ng recreational at wellness amenities tulad ng jogging at biking paths na tatahak sa 11 mga lunsod sa Metro Manila.

Katuwang sa proyekto ang pribadong sektor na naglalayong maibalik ang ganda ng Pasig River para magsilbing tourism area at buhayin ang lokal na ekonomiya.