Marianito Augustin

Cong. Rolando “CRV” Valeriano tinaguriang “Mr. Action Man” ng Tondo

231 Views

ValerianoValerianoValerianoTINAGURIANG “Mr. Action Man” o “Mr. Public Service” ng Tondo si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano dahil sa walang kapagurang paglilingkod nito para sa kaniyang mga ka-Distrito partikular na sa panahon ng kanilang mahigpit na pangangailan o nasa kagipitan.

Pinatunayan lamang ni Valeriano ang tawag sa kaniyang “Mr. Action Man” sapagkat mabilis nitong inaaksyunan ang reklamo, karaingan at sumbong ng napakaraming residente ng kaniyang Distrito. Umaaraw man o hindi, hindi nagdadalawang salita ang mga dumudulog sa kaniya para hingin ang kaniyang tulong.

Sa pamamagitan ng malasakit at pagmamahal ni Valeriano para sa kaniyang mga ka-Distrito. Maraming Daycare Center ang kaniyang naipatayo, maraming Ospital ang kaniyang napa-renovate at napakaraming residente ang natulungan niya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati dahil pumanaw nilang mahal sa buhay.

Sa totoo lang, may mga politiko kasi diyan ang magaling lang nuong panahon ng eleksiyon at kampanya. Subalit matapos na silang maluklok ay nagbago na ang kaniyang ugali. Kung nuon ay Madali silang lapitan at mahingian ng tulong, ngayon daw eh’ “isnabaro” na si Bossing.

Hindi na bago ang ganiyang kuwento. Sa tagal ko sa profession na ito bilang isang mamamahayag. Napakarami na akong nakatagpo na politiko na kung tawagin ay “Oh Promise Me o OPM” na mahilig mangako, pero sa oras na sila ay maupo na. kahit anino nila ay hindi mo na makikita.

Yung politiko na sinasabi kong “napakahirap na daw lapitan” ay todo-todo kung magpamudmod ng kuwarta bago at nuong panahon ng eleksiyon pero ngayon ay pahirapan na. Yun nga ang hirap eh’, duon sila tumaya ng husto samantalang nakalimutan na nila yung taong tinalo nitong politiko na ito eh’ napakalaki din naman ang tulong na naibigay sa kanila.

Kaya ako na ang magsasabi na malayong-malayo siya kay Congressman Valeriano dahil nakita ko sa mamang ito (CRV) na siya ay totoong tao at hindi nagpapanggap. Totoo o genuine ang kaniyang paglilingkod sa mamamayan at hindi lamang sa panahon ng halalan. Tunay ng ana siya ay “Mr. Public Service”.

Sana po Congressman Valeriano ay dumami ang kagaya nito na totoong may puso para sa mga mamamayan. Hindi lamang sa salita ang kanilang paglilingkod kundi sa gawa. Sana sa darating na panahon, kayo ay maupo sa mas mataas na puwesto. Hindi malayo at hindi iyan malabo. Ang mga kagaya niyo ang kailangan ng Pilipinas. God Bless po Congressman.

Cong. Rolando “CRV” Valeriano walang nakikitang mali sa pagbati ni PBBM kay Taiwanese President Lai Ching-Te

IGIIGIIT ni Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ng Manila (2nd District) na walang mali sa ginawa ni President Bongbong Marcos, Jr. matapos nitong batiin si Taiwan President Lai Ching-Te habang binatikos naman siya ng China dahil sa pagpapa-abot nito ng pagbati sa nasabing Pangulo.

Dinepensahan ni Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang Pangulong Marcos, Jr. sa pagsasabing walang mali sa ginawang pagbati ng Pangulo kay Ching-Te matapos itong maluklok bilang Presidente ng Taiwan bilang bahagi ng “diplomatic process”.

Ikinatuwiran ng kongresista na ginampanan lamang ni Marcos, Jr. ang kaniyang obligasyon bilang isang Head of State sa pamamagitan ng pagsunod sa tinatawag na “diplomatic principles” at commitment ng bansa upang itaguyod ang positibong pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa.

Ayon kay Valeriano, hindi pinanghihimasukan at wala umanong paki-alam ang Pangulo ng bansa sa anomang sigalot sa pagitan ng China at Taiwan. Kung kaya’t ang pinaabot nitong pagbati kay Ching-Te ay matatawag na “no string attached” dahil wala siyang pinapanigan sa dalawang nasabing bansa.

Sinabi pa ng kongresista na hindi rin dapat ituring ng China o sinomang kritiko na na paglihis sa isinusulong na foreign policy ang naging pagbati ng Pangulong Marcos, Jr. sapagkat pinahahalagahan aniya ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa China at nananatili ang paggalang nito sa nasabing bansa.

Nilinaw din ng mambabatas na hindi umano ibig sabihin na dahil binati ng Pangulo si Ching-Te ay nangangahulugan na “nakikipaglaro na ng apoy” ang Pilipinas sa mga karatig bans anito. Kung saan, muling idniin ng mambabatas nan ais lamang ni Marcos, Jr, na mas palakasin ang diplomatic relations ng Pilipinas.