Dalipe

Dalipe sa mga senador: Posisyon sa ‘economic constitutional reforms’ isapubliko

Mar Rodriguez Feb 6, 2024
124 Views

HINAMON ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang mga senador na isapubliko ang kanilang posisyon kaugnay ng ‘economic constitutional amendments’.

Ito ang hamon ni Dalipe sa mga senador matapos na sabihin ng mga ito na malabong matupad ang ipinangako na maipapasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 sa Marso gaya ng sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

“This is my challenge now to all senators: Why don’t you, 24, come out in the open? Sino ba ‘yung pabor to amend the Constitution, to update the 37-year-old Constitution? Sino yung mga kontra?” giit ni Dalipe sa isinagawang press conference sa Kamara de Representantes nitong Martes.

“Para by 2025–this is my challenge to the senators. Come out in the open, wag po tayong magtago,” sabi pa ni Dalipe.

“Sabihin natin sa buong Pilipinas, sino yung mga senador pabor to amend, to update the 37-year-old Constitution. At sino mga kontra. And the people of the Philippines will decide whom to put in the Senate,” dagdag pa ng mambabatas.

Si Dalipe at iba pang miyembro ng Kamara ay umaasang maipapasa ang RBH No. 6 sa Marso na batay sa sinabi ni Zubiri sa isang press conference noong Enero 15.

Sa kasalukuyan, inaasahan ng ilang senador na maipapasa ang RBH 6 sa Oktobre 2024 na masyadong matagal, ayon kay Dalipe.

“I strongly urge the senators to come out in the open. Sino ‘yung mga kontra to amend the 37-year-old Constitution…State your position. Sino ‘yung mga pabor to amend the economic provisions, come out in the open and state your position,” ayon pa kay Dalipe.

“Let’s come out, let us not hide, you know, in veils and saying all these words na lumalabas parang nag-aaway. Open cards tayo sa taumbayan…let’s put our proposals transparent to the Filipino people,” ayon pa Majority Leader.

“Para mas klaro, mas maliwanag, sa ating mga taumbayan sino ‘yung pabor to amend the economic provisions, sino ‘yung kontra,” saad pa ni Dalipe.