Magsino ikinagalak pagrepaso ng DMW sa SWP

Mar Rodriguez Feb 8, 2024
163 Views

Congw. MarissaIKINAGALAK ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang isinagawang masusing pagre-review ng Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa Seasonal Workers Program (SWP) na nagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa South Korea.

Sinabi ni Magsino na ang isinagawang pagre-repaso ng DMW sa SWP ay kaakibat ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Immigration (BI).

Ipinabatid ni Magsino na naglabas ng Advisory ang DMW na nagresulta sa pagpapataw nito ng moratorium patungkol sa employment at deployment ng mga Pilipino sa South Korea bilang SWP. Bunsod naman ng mga report at kaso ng illegal recruitment at ilang labor violations.

Ayon kay Magsino, kinakailangang rebyuhin ang SWP dahil narin sa ilang kaso ng illegal recruitment at iba pang uri ng labor violations na kinasasangkutan ng mga taong nasa likod ng nasabing programa. Kabilang sa mga reklamo ang kawalan sapat na pagkain para sa mga Pilipino sa South Korea.

Binigyang diin pa ng OFW Party List Lady solon na bagama’t kinikilala nito ang malaking kontribusyon na naibibigay ng SWP para sa mga Pilipino. Subalit kinakailangan parin aniyang isa-alang alang ang kapakanan ng mga Pinoy lalo na sa usapin ng kanilang kaligtasan.

“While we acknowledge that the program provides livelihood opportunities to our countrymen. It should not come at the expense of the dignity and rights of our Filipino workers. We should always put the welfare and safety of our kababayans ahead of any other considerations,” sabi ni Magsino.

Sabi pa ni Magsino, layunin ng Foreign Seasonal Workers Dispatch Pr