scholarship program Makikitang nag-uusap tungkol sa scholarship program para sa lalawigan sina Bataan Gov. Joet Garcia (kaliwa), Dr. Ozuah (kanan) at si Dr. Buccahan. Kuha ni CHRISTIAN D SUPNAD

Doktor na naka-base sa New York mag-i-isponsor ng scholars sa Bataan

Christian Supnad Feb 21, 2024
169 Views

DINALUPIHAN, Bataan –Isang New York-based doctor ang nangako na magtatatag sila ng kanyang pamilya ng isang Family Foundation na tutulong sa pagpapaaral sa mga taga-Bataan.

Ito ang inihayag ni Gov. Joet S. Garcia sa kanyang Facebook account. “Bumisita po kamakailan sa ating tanggapan sina Dr. Philip Ozuah, ang presidente at CEO ng tanyag na Montefiore Medicine sa The Bronx, New York, kasama ang kanyang maybahay na si Dr. Ma. Theresa Pinili Ozuah na tubong Luakan, Dinalupihan, at kanilang pamilya na bumubuo ng Ozuah Family Foundation.”

Nagpahayag naman si Dr. Ozuah ng kanilang pagnanais na pondohan ang mga scholarship programs para sa mga kabataan sa lalawigan, matapos ibinahagi ni Garcia ang mga health programs sa Bataan na kanila rin buong-pusong susuportahan.

Nakasama dito sina consultant on health Dr. Bong Galicia at Provincial Health Officer Dra. Rosanna Buccahan.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong at pagmamahal sa mga Bataeños, Ozuah Family!,” dagdag pa ni Gov Garcia.