Hataman

Hataman nananawagan sa PNP na imbestigahan pagpatay sa bgy captain ng Isabela City

Mar Rodriguez Feb 27, 2024
167 Views

NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv S. Hataman sa Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang kaso ng brutal na pagpatay kay Isabela City Barangay Captain Franklyn Tan at pagkasugat ng isa pang kasamahan nito noong Pebrero 25.

Sinabi ni Hataman na kailangang papanagutin ang mga salarin kaugnay sa walang habas na pagpatay kay Tan. Sapagkat posibleng lalong lumakas ang loob ng mga taong nagnanais maghasik ng kasamaan at karahasan sa Basilan katulad ng nangyari sa pinaslang na Barangay Captain.

Bunsod ng insidenteng ito, mariing kinondena ni Hataman ang karumal-dumal na pagpaslang kay Tan kasunod ng pagkakapinsala naman sa kasamahan nitong si Barangay Captain Jaider Jundam.

Binigyang diin ng kongresista na walang puwang aniya ang karahasan sa isang mapayapa at demokratikong Lipunan dahil wala umanong “justification” ang pagkitil ng buhay sa isang sibilisadong Lipunan.

“Hindi ito dapat mangyari sa ating mamamayan, opisyal man ng pamahalaan o ordinaryong tao lamang. The brutal murder of Kapitan Franklyn not only robbed his family and community of a beloved leader but also struck a blow to the foundations of peace and order that we strive very hard to uphold in Basilan,” sabi ni Hataman.

Ipinabatid din ni Hataman na batay sa report ng mga pulis. Dalawang hindi nakilalang kalalakihan o riding in tandem ang bumaril sa grupo nina Tan at Daryl Jalani sa harapan ng Puerta del Ciudad Hotel. Agad naman sinugod sa Ciudad Medical Zamboanga Hospital ang mga biktima.

“The incident underscores the urgent need for authorities to intensify efforts in ensuring the safety and security of every Filipino citizen. Peace and order are indispensable pillars for the growth and development of our communities in Basilan and throughtout the country,” ayon pa kay Hataman.