Calendar
Magsino kinababahala pamemeste ng mga surot at daga sa NAIA
IKINABAHALA ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang insidente ng pamemeste ng mga surot at daga sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagdudulot ng napakalaking perwisyo para sa napakaraming pasahero ng pambansang paliparan.
Hindi maitago ni Magsino ang kaniyang labis na pag-aalala para sa kasalukuyang kalagayan umano ng Terminal 1, 2 at 3 ng NAIA kaugnay sa pamumuksa ng mga surot at daga na nagdudulot ng pangamba para naman sa libo-libong pasahero bunsod ng hindi komportable nilang karanasan.
Idinagdag pa ni Magsino na ang mabagal na daloy ng trapiko at matinding congestion ng mga sasakyan NAIA ang nakakadagdag sa problema nito, hindi lamang abala para sa mga pasahero. Bagkos, nakakasira din aniya sa imahe ng Pilipinas sa mata ng international community.
Aminado ang kongresista na kasalukuyan ng nagsasagawa ng isang komprehensibong inspection ang Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) para unti-unting ayusin ang mga problemang nagpapa-antala sa operasyon ng NAIA.
Gayunman, iminumungkahi ni Magsino sa DOTr at MIAA ang pagsasagawa nila ng isang malalim ng pag-aaral para malaman ang tinatawag na “contributing factors” kaugnay sa congestion ng mga sasakyan sa loob ng NAIA at dalay sa loob mismo ng nasabing airport lalo na pila sa immigration.
“Hindi lamang dapat nila aysuin ang problema. Dapat ay pag-aralan din nila kung ano ang mga contributing factors kung bakit hindi gumagalaw ang trapiko sa loob ng NAIA at ang mahabang pila sa immigration. Kasi kung aayusin lang nila tapos ganun parin. Sayang lang ang effort nila,” sabi ni Magsino.
Muling binigyang diin ni Magsino na ang NAIA ang repleksiyon ng Pilipinas sa international community. Sapagkat dito nakasalalay ang imahe ng bansa bilang gateway sa tourism industry ng Pilipinas.