Marianito Augustin

Ang hindi matatawarang reputasyon ni Cong. Budoy Madrona

128 Views

MATAGAL-TAGAL na rin akong nagko-cover sa Kamara de Representantes bilang mamamahayag at masasabi ko na marami narin akong nakaharap na kongresista mula pa noong panahon ni dating House Speaker Jose “Joe” de Venecia, Jr. mula kay Congressman Catalino Figueroa hanggang kay Cong. Wilmar Lucero.

Hindi na mabibilang sa dailiri ang mga congressman na nainterview at nakaharap ko nuong araw. Subalit sa unang pagkakataon ay ngayon ko lamang patotohanan kung gaano kalinis ang reputasyon at mayroong busilak na kalooban ang isang kongresista na matagal-tagal ko narin kakilala.

Ngayon ako naniniwala na kapag matamis ang isang bunga. Asahan mo na hanggang sa dulo nito’y naroroon ang tamis ng kaniyang produkto. Sa madaling salita, kapag ang isang tao ay matino at malinis ang reputasyon. Kahit anong akusasyon laban sa kaniya ay tiyak na hindi magtatagumpay.

Ang nais kong patungkulan dito ay walang iba kundi ang malinis at hindi matatawarang reputasyon ni Romblon Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na pinawalang sala kamakailan ng Sandiganbayan 6th Division dahil sa kasong graft na nabigong patunayan ng mga taong naninira sa kaniya.

Inabsuwelto ng Sandiganbayan Madrona sa kasong graft patungkol sa ma-anomalyang “procurement” o pagkuha umano ng kongresista ng liquid organic fertilizer noong 2004.

Sa inilabas na 47 pahinang desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, inabsuwelto nito si Madrona kaugnay sa ma-anomalyang pagkuha nito ng liquid organic fertilizer na nagkakahalaga ng P4.7 million na mas kilala bilang “fertilizer scam” dahil sa kabiguan ng prosecution na ma-establisa ang naging paglabag ng mambabatas sa itinatakda ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA No. 3019).

Nanindigan ang Sandiganbayan na nabigong patunayan o kaya ay makapaglabas ng isang matibay at hindi mapapasubaliang ebidensiya ang panig ng prosecution laban sa akusado (Madrona).

Kung kaya’t pinawalang sala nito ang kongresista laban sa kasong isinampa laban sa kaniya.

“The prosecution having failed to discharge its burden of proving beyond reasonable doubt the guilt of the accused, the latter are entitled to judgement of acquittal,” nakasaad sa 47 pahinang desisyon ng Sandiganbayan 6th Division.

Nabatid na nag-ugat ang nasabing kaso laban kay Madrona matapos nitong kumuha o magkaroon ng procurement ng tinatayang na 33,333 botelya ng Bio Nature fertilizer mula sa kompanyang Feshan Philippines Inc. noong 2004. Noong panahong si Madrona pa ang Gobernador ng Romblon.

May kasabihan nga na “You cannot put a goodman down”. Hindi mo kayang ibagsak o ilugmok ang isang taong mayroong malinis na pangalan katulad ni Madrona. Kahit anong gawin nila ay hindi nila kayang baliin o kaya ay baluktutin ang katotohanan na isang mabuting tao si congressman Madrona.

Iyan din kasi ang hirap, may mga tao na napakahilig magpukol ng kung ano-anong akusasyon, bintang at chismis laban sa kapwa nila. Pero hindi muna nila tinitignan ang kanilang sariling kapintasan. Sana bago natin akusahan ang ibang tao ay tignan muna natin ang ating mga sarili.

Kung sabagay, kung ano ang punong hitik sa bunga ay iyon naman ang pinagsisikapang batuhin. Ganyan ang ginagawa nila kay congressman Madrona dahil alam nilang hitik sa bunga ang kongresista. Pero kahit ano pa ang gawin nila, mahihirapan silang pabagsakin ang isang mabuting tao.

Ang ibinabang desisyon ng Sandiganbayan ay nagpapatunay lamang na kahit anong akusasyon ang ipukol nila laban kay Madrona. Lumabas parin ang totoo. Ang katotohanan na walang masamang ginawa ang kongresista. Matagal ko ng kakilala si congressman kaya ako na ang magsasabi na isang siyang mabuting tao at kahit minsan ay hindi siya nasangkot sa anumang illegal na gawain.

Nasaksihan ko ng personal kung gaano karaming tao ang natutulungan ni Congressman Madrona. In fairness, wala akong nakitang pagkukunwari o pagbabalat-kayo kay congressman. Totoong tao siya, hindi gaya ng ibang politiko na puro pakitang tao lang. Ibang iba sa kanila si Congressman Madrona. Talagang siya ay tunay na matulungin at napaka-generous sa mga taong nangangailangan ng kaniyang tulong.

Ngayong Lenten Season. Isinasabuhay ni Congressman Madrona ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano. Hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

God Bless po Congressman Budoy Madrona.