Barbers1

Barbers nagbabala vs makabagong “Makapili” na mas kumakampi sa China

Mar Rodriguez Mar 12, 2024
137 Views

NAGBABALA si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers laban sa mga makabagong “Makapili” o mga Pilipinong mas kumakampi sa China sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kanilang interes. Sa halip na pangalagaan nila ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay nito, muling iginiit ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na mayorya ng mga Pilipino ang nagpahayagb na ng labios na pagka-inis at hindi na natutuwa sa patuloy na panggigipit o pambu-bully na ginagawa ng China laban sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Binigyang diin ni Barbers na ito ang lumabas at ipinapakita ng resulta ng survey ng OCTA Research na kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maraming Pilipino ang nayayamot na sa ginagawang harassment ng China laban sa Pilipinas kabilang na ang mga mangingisda sa WPS.

Ipinaliwanag ng kongresista na ipinapakita ng survey result na na pito mula sa sampung Filipino adults ang nakahandang depensahan o ipagtanggol ang Pilipinas sakaling sumiklab ang masalimuot na sitwasyon o conflict laban sa dayuhang kalaban tulad ng bansang China.

Kasabay nito, nagbabala din si Barbers, anak ng yumao at dating Senator Robert “Bobby” Z. Barbers, laban sa mga modernong “Makapili” na walang habas o walang konsensiyang tumutulong sa China para mapalawig ang kanilang interes sa halip na labanan ang pambu-bully ng nasabing bansa.

“Sa pagkakataong ito, dapat nating bantayan at kilalanin ang mga “Makapili” sa ating hanay na walang kunsensiya na tumutulong para palawigin ang makasariling interes ng China sa ating bansa.

Sa halip na tayo ang kampihan nila, yun pang China ang kinakampihan nila, an oba silang klaseng mga tao,” ayon kay Barbers.

Sinabi pa ni Barbers na wala naman ibang “conflict” ang Pilipinas patungkol sa ibang mga kalapit nitong bansa. Maliban lamang aniya sa China na pilit na inaagaw ang teritoryo ng bansa sa WPS.