E-Bike Source: Electronic Vehicles Association of the Philippines file post on FB

Palasyo inaabangan rekomendasyon ng Tariff Commission sa EO 12

Chona Yu Apr 4, 2024
107 Views

HINIHINTAY na ng Palasyo ng Malakanyang ang rekomendasyon ng Tariff Commission ukol sa Executive Order No 12. na nagpapababa sa taripa ng mga electronic vehicles (E-vehicles).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi pa natatanggap ng komisyon ang rekomendasyon.

Tiniyak ni Balisacan na agad na aaksyunan ng komisyon ang rekomendasyon at ipapasa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Una rito, tinapos na ng Tariff Commission ang public hearing sa mandatory review sa EO 12.

Pinagtibay ang EO 12 bilang complement sa Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) para maibsan ang carbon emissions at pagtalima na rin sa commitment ng Pilipinas sa Paris Agreement.

Sa kasalukuyan, ang e-motorcycles o ang two-wheeled electric vehicles na may maximum speed ng mahigit 25 kilometers per hour ay pinapatawan ng 30% na taripa.

Sa nakaraang public hearing, iminungkahi ng electronic vehicle stakeholders na isama sa mga bibigyan ng tax incentives ang mga e-motorcycles.

Ayon sa Department of Energy, mas epektibo ang paggamit ng e-motorcycles dahil aabot lamang sa P0.34 ang gastos nito at makatitipid ng 1.72 litro ng gasoline kada isang kilometro. Mas matipid ito kumpara sa gas-powered counterpart na aabot sa P1.20 kada kilometro.

Sinabi pa ng DOE na mas mura, mas matipid at eco friendly ang mga e-motorcyles.