ROTC

“MALAKING kasinungalingan!”

100 Views

Ito ang mariing pahayag ni Senator Francis Tolentino kung saan tinawag niyang sinungaling ang Tsina sa pagsasabing ang mga Pilipino ang sumisira ang kalikasan ng karagatan sa Recto Bank.

Ayon kay Tolentino, chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, hindi guilty ang Pilipinas sa mga ibinabato ng Tsina at baliktad aniya sapagkat kung mero man sumisira aniya ng kalikasan sa karagatan , ito ay walang iba kundi mismo ang China.

Matatandaan na pinuri ni Tolentino si Pangulong Marcos jr., matapos itong makipag-alyansa sa pamamagitan ng quadrilateral naval drills sa West Philippine Sea sa mga bansang Japan, Australia gayundin ng United States.

Ibinulgar pa ni Tolentino na matapos pag aralan ng mga Pilipino na scientist natin mula sa University of Philippines ay nakita ng mga ito ang palatandaan ng pagkalkal sa karagatan sa pamamagitan ng discoloration ng makikita sa paligid na siyang malinaw aniyang ebidensya.

“Sila ang naninira. They have destroyed many things in WPS at kailan naman kaya sila naging environment friendly?,” tanong ni Tolentino.

Ang reaksyon ni Tolentino ay sagot sa akusasyon ng China na sinisira ng mga Pilipino ang natural resources sa Rozul Reef gayundin ng naunang bintang ng mga ito na ang mga Pilipino ang nagsisimula ng gulo sa WPS.

Para kay Tolentino, puro kabaliktaran aniya ang mga pahayag ng China laban sa Pilipinas gaya ng pag angking sa Rozul Reff na nasa poder ng PIlipinas na tinatawag din natin na Philippine Economic Zone.

Matatandaan na ang kabuuan ng South China Sea kasama na ang West Philippine Sea ay tahasang inaangkin ng China kahit pa nagkaroon na ng desisyon nuong 2016 ang Permanent Court of Arbitration ngunit hindi pinakinggan ng Beijing gamit ang kanilang diumanoy historical claim sa WPS.

Matatandaan na kinilala ng maraming bansa ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa kasong inihain sa International Court ngunit pilit binabaliwala ng China ang naturang desisyon pabor sa kanila.