Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

P13.15/L taas sa diesel, P7.10/L sa gasolina ipatutupad

334 Views

MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis sa Martes ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Chevron Philippines Inc. (Caltex) magtataas ito ng P7.10 kada litro sa gasolina, P13.15 kada litro sa diesel, at P10.50 kada litro sa kerosene.

Ganito rin ang pagtataas na ipatutupad ng Cleanfuel sa gasolina at diesel. Hindi ito nagbebenta ng kerosene.

Ang pagtaas sa mga presyo ay iniuugnay sa pagpasok ng Russia sa teritoryo ng Ukraine.