MPBL2 Quezon-Negros battle in MPBL.

Quezon wala pa ding talo

Robert Andaya Jun 3, 2024
166 Views

WALA pa ding tatalo sa Quezon Huskers.

Nagpakawala ang Quezon ng isang matinding atake sa fourth quarter para durugin ang Negros Muscovados, 73-62, at agawin ang solong liderato sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga kamakailan.

Sumandal ang Huskers sa double-double performance ni Rodel Gravera laban sa Muscovados para iatla ang kanilang ika-siyam na sunod na panalo sa 29-team tournment.

Ang 6-5 na si Gravera, na nabigyan ng pagkakataon na makalaro dahil sa season-ending ACL injury na sinapit ni Will Gozum, ay gumawa ng 18 points at 12 rebounds para sa Quezon.

Nagdagdag si Jason Opiso ng 14 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si LJ Gonzales ng six points, five rebounds at eight assists para sa Huskers. na kumawala sa fourth quarter matapos ang dikit na sagupaan.

Lamang ang Quezon, 56-52, sa pagtatapos ng third quarter.

The scores:

Quezon (73) — Gravera 18, Opiso 14, Gonzales 6, X.Torres 6, Matillano 5, Abundo 5, Banal 5, Sandagon 4, Canon 4, Rono 3, Bunag 2, T.Torres 1, Salonga 0, Lagrama 0.
Negros (62) – Cani 19, Comia 12, Geolingo 11, Atabay 10, Palma 6, Una 2, Cruz 2, Antiporda 0, Longa 0, Bacay 0, Alcaide 0, Ramos 0, Pascual 0, Capobres 0.
Quarterscores: 18-18, 38-28, 56-52, 73-62.