Gabayni Zamboanga-Bataan game sa MPBL.

Gabayni nanguna para sa Zamboanga

Robert Andaya Jun 4, 2024
141 Views

NAGPASIKLAB si Joseph Gabayni sa kanyang double-double performance na 20 points at 13 rebounds at pinabagsak ng Zamboanga ang host Bataan, 79-72, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Orion Sports Center sa Bataan.

Ang 6-5 na si Gabaayni, na napiling “Best Player’ of the Game”, ay gumawa ng back-to-back layups sa 6-0 run ng Zamboanga sa huling dalawang minuto para tiyakin ang kanilang ika-siyam na panalo sa 11 laro.

Ang dating MPBL MVP na si Jaycee Marcelino ay nakatulong din sa kanyang all-around game na 11 points, seven rebounds at four steals.

Naka-suporta din sina Enzo Subido, na may 11 points at Ady Santos,na may nine points at 11 rebounds.

Sina Mitchelle Maynes, na may 21 points at seven rebounds at Ronjay Lastimosa, na may 12 points, two rebounds ar two assists ang nagdala ng laban para sa Bataan, na bumaba pa sa overall standings sa kanialng 3-8 record.

Bagamat lamang sa malaking bahagi ng laro, bahagyang naiwanan ang Zamboanga sa iskor na 60-62 matapos ang 8-0 run ng Bataan sa pagsisimula ng fourth quarter.

Matapos ang tatlong deadlokcs, mabilis kumilos ang Zamboanga at nagpakawala ng anim na sunod na puntos para muling agawin ang trangko, 72-66.

Humirit pa ng isang tripke si Lastimosa sa huling 1:47 ng sagupaan, bago tuluyang naka-alpas ang Zamboanga sa tulong ng pitong sunod na free throw shots kontra isang triple ni Sazon.

Tanging ang Quezon Province (9-0), San Juan (8-0), Nueva Ecija (8-0) at Pampanga (8-1) ang mga teams na nasa unahan ng Zambonaga sa 29-team standings.

The scores:

Zamboanga (79) — Gabayni 20, Subido 11, Jc Marcelino 11, Santos 9, Mahari 9, Barcuma 5, Apolonio 4, Publico 4, Tansingco 3, Strait 2, Omega 1, Ignacio 0, Nayve 0, Terso 0, Celestino 0.
Bataan (72) –Maynes 21, Lastimosa 12, C.Bringas 9, Sazon 7, Octobre 6, Torrado 5, Ramos 4, Darang 3, Ramirez 3, Gabawan 2, Acuno 0, Formento 0, Vera 0, Santos 0, Paguio 0.
Quarterscores: 28-16, 40-33, 60-54, 79-72.