MPBL

Knights nagpasiklab sa San Juan

Robert Andaya Jun 5, 2024
118 Views

PINABAGSAK ng San Juan Knights ang Valenzuela Classics, 93-81, habang pinatahimik ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Marikina Shoemasters, 88-64, para mapanatili ang kanilang perfect record sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa FilOIl Flying V Centre sa San Juan.

Nagpasiklab sina Michael Calisaan, Dexter Maiquez at Orlan Wamar para pangunahan ang Knights sa kanilang ika-siyam na sunod na panalo sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament, na itinuturing ding “Liga ng Bawat Pilipino”.

Si Calisaan ay umiskor ng 18 points, si Maiquez ay may 13 points, kabilang ang walo sa fourth quarter, at si Wamar ay may 12 points, six assists at three steals para sa Go for Gold-sponsored Knights ni Sen. Jinggoy Estrada.

Nakatulong din para sa panalo ng San Juan sina AC Soberano, na nagdagdag ng nine points at Michael Malonzo at veteran Reyniel Hugnatan, na nag-ambag ng tig eight points.

Ang Valenzuela, na bumaba sa 6-6 record, ay nakakuha ng 18 points at seven rebounds mula kay JR Quinahan, 14 points, four assist at three steals mula kay Darell Manliguez at 13 points at four rebounds mula sa Fil-Am na si CJ Payawal.

Kinailangan naman ng Nueva Ecija na maglaro ng husto sa second half bago tuluyang ilubog ang Marikina.

Nagtala si Emman Calo ng 13 points para sa Rice Vanguards, na nagpakawala ng 32-7 run sa third quarter upang kumalas sa dikitang 42-41 labanan at tuluyang manguna, 74-48.

Namuno sina Mel Mabigat (15 points, three assists) at Eric Pili (13 points, five rebounds, four assists, six steals) para sa Marikina, na nalugmok pa sa 1-10 win-loss record.

Dahil sa naturang mga panalo, tumabla ang San Juan at Nueva Ecija sa Quezon Huskers, na may 9-0 record din.

Samantala, binigo ng Pasay ang Bulacan, 90-69, para umakyat sa 7-4.

Nagpakita ng kanilang all-around game sina Laurenz Victoria sa kanyang 19 points, 10 rebounds, seven assists at three steals, at Warren Bonifacio sa kanyang 14 points at 10 rebounds para sa Voyagers.

Ang kanilang teammate na si Patrick Sleat ay may 13 points, five rebounds at five assists.

Bumagsak ang Bulacan sa 2-10 record sa kabila ng 15-point, 11-rebound effort ni Jan Baltazar at 12-point, 9-rebound, 4-assist output ni Kristan Hernandez.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores;

First game

Nueva Ecija (88) — Calo 18, McAloney 12, Juico 9, Celiz 8, Costelo 7, Collado 7, Cullar 7, Villarias 7, Cosejo 5, Derige 5, Maguilano 4, Bahio 2, Bitoon 2, Arenas 0, Balucanag 0.

Marikina (64) — Mabigat 15, Pili 13, Escoto 9, Udjan 6, Basco 5, De Liano 4, Estacio 4, Casajeros 3, Castellano 2, Zabale 2, Codinera 1, Mosqueda 0, Evangelista 0, Fontanilla 0, Tolentino 0.

Quarterscores: 24-27, 42-41, 74-48, 88-64.

Second game

Pasay (90) — Victoria 19, Bonifacio 14, Sleat 13, Inigo 7, Salenga 7, Reverente 6, Tabi 6, Hilario 5, Sienes 4, Coronel 4, Lustina 4, Ramirez 1, Aguirre 0, Chan 0, Cabalerro 0.

Bulacan (69) — Baltazar 15, Hernandez 12, Celis 9, Andales 9, Montero 7, Dada 7, Osicos 6, Manzo 4, Hubalde 0, Melegrito 0, Mallari 0, Ajero 0, Viernes 0, Santiago 0, Dulalia 0.

Quarterscores: 22-22, 43-35, 65-54, 90-69.