Calendar
Heart, glam team inasikaso stepdaughter na nag-attend ng prom
KAHIT wala pang sariling anak ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, hindi ito dahilan para hindi maramdaman ng global fashion icon, visual artist, singer-actress, celebrity ambassador at entrepreneur na si Heart ang puso at pangangalaga ng isang ina dahil ito’y kanyang ipinapakita at ipinadarama sa kanyang twin stepchildren na sina Quino at Chesi, her husband’s children from his ex-wife na si Christine Flores.
Sa recent prom night ni Chesi, Heart made sure na hindi nito (Chesi) makakalimutan ang gabing `yon. Ang glam team mismo ni Heart ang nag-ayos sa kanyang step-daughter with her supervision clad in her beautiful and expensive gown pati alahas including a Bulgari serpenti necklace.
Ang young Kapuso actor na si Bryce Eusebio ang naging escort ni Chesi sa kanyang prom night.
Speaking of Sen. Chiz, siya ang nanumpa sa bumubuo ng Senate Spouses Foundation na pinamumunuan ngayon ni Heart kung saan kabilang sina Cong. Lani Mercado, Precy Ejercito, Mariel Rodriguez, Mayor Lani Cayetano at iba pa.
Jodi, Pampi modern at blended family
MODERN and blended family na maituturing ang pamilya ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at pamilya ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, anak ni dating Sen. Panfilo Lacson.
Kahit 2011 pa nagkahiwalay ang dating mag-asawang Jodi at Pampi ay nagpatuloy ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa kanilang teen-age son na si Panfilo `Thirdy’ Lacson III na isa na ngayong college student.
Although may kani-kanyang buhay na ngayon ang dating mag-asawa, extended ang kanilang magandang relasyon sa longtime partner ngayon ni Pampi, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto maging sa kanilang dalawang anak na sina Mimi at CJ Lacson. Very close din si Thirdy sa kanyang dalawang half younger siblings na sina Mimi at CJ maging sa kanyang stepmom na si Iwa.
Ngayong na-grant na ang annulment ng marriage nina Jodi at Pampi, wala nang magiging balakid sakaling naisin ng dalawa na muling magpakasal sa kanilang respective partners – sa actor na si Raymart Santiago at Iwa kay Pampi.
As far as we can remember, taong 2014 pa na-annul ang kasal ni Raymart sa kanyang ex-wife, ang actress na si Claudine Barretto.
Samantala, pinaghahandaan na ngayon ni Jodi ang kanyang bagong primetime series on ABS-CBN Studios na pinamagatang “Lavender Fields” under Dreamscape Entertainment.
Qymira inlunsand ‘Maraming Salamat’
HUMARAP sa entertainment media ang singer, songwriter at philanthropist na si Qymira (Leslie Loh in real life) to launch her new song na pinamagatang “Maraming Salamat”.
Born in Hong Kong and raised in San Francisco, California, USA and educated in United Kingdom, Qymira admits that she loves Filipinos dahil sa rami niyang Filipino friends hindi lamang sa Hong Kong, Amerika kundi maging sa UK kung saan siya nag-aral ng Economics sa University of Bristol at kung saan din nagsimula ang kanyang singing and music career.
Dahil sa kanyang Filipino friends, she visited the Philippines in 2019 and keep on coming back since then at dito umano nagsimula ang kanyang passion na matulungan ang marami sa ating mga kababayang nangangailangan. She has visited various places tulad ng Tondo, Bohol, Cebu, Isabela, Mindanao, Pampanga, Nueva Ecija at marami pang lugar at dito niya nakita ang kalagayan ng ating mga kababayan laluna ang kahirapan nung mga nasa liblib na lugar. Pero ang napansin ni Qymira ay ang pagiging warm ng mga tao sa kabila ng kahirapan kaya “Maraming Salamat” ang titulo ng kanyang bagong song na kinompos. Sa tulong ng kanyang Filipino friends, nalapatan niya ng Tagalog lyrics ang kanyang kinompos na kanta. She can also understand a bit of Tagalog words. Hindi rin niya ikinakaila na kahit wala umano siyang Filipino blood, ang pakiramdam niya ay meron siyang pusong Pinoy. Even her looks ay mapagkakamalang isa siyang Filipina na kanyang ikinatutuwa.
Naging posible ang launching ng kanyang bagong song sa tulong ng mag-asawang Vehnee Saturno at Ladine Roxas.
“They are an amazing couple,” pahayag pa ni Qymira na bumuo ng sariling foundation, ang One Gaia Foundation. Gaia means One World.
Qymira started her ballet lessons when she was two years old. Tatlong taong gulang naman siya nang siya’y matutong mag-piano and violin and started singing at a very young age. Ang kanyang debut single na pinamagatang “Satisfied” became number 1 sa UK Music Week Charts na sinundan ng kanyang national tour hindi lamang sa UK kundi maging sa ibang bahagi ng Europe. Nag-aral din siya ng acting sa London Academy for Radio, Film and Television and she also tried acting.
While she was using her real name na Leslie Loh when she started her career, she decided to adapt a screen name na Qymira due to discrimination.
Janine sobra ang pasasalamat sa ABS-CBN
SOBRA ang pasasalamat ng singer-actress na si Janine Gutierrez sa pamunuan ng ABS-CBN sa pauloy sa pagbibigay sa kanya ng maituturing niyang extra ordinary projects magmula nang siya’y lumipat sa nasabing studio in 2021.
Bukod sa kanyang pagiging mainstay ng lingguhang musical variety show na “ASAP Natin `To” every Sunday, nakagawa na si Janine ng tatlong TV series na kanyang sinimulan sa “Marry Me, Marry You” with her ex-boyfriend na si Paulo Avelino, “Sleep with Me” with Lovi Poe and her recent TV primetime revenge drama series na “Dirty Linen” opposite Zanjoe Marudo. Kasama si Janine sa bagong TV series na pinangungunahan ni Jodi Sta. Maria, ang “Lavender Fields” na malapit na ring mapanood on primetime.
Janine is also co-producing a film documentary for her Mamita (grandmother), ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na pamamahalan ng award-winning director na si Baby Ruth Villarama na siya ring nagdirek ng documentary na “Sunday Beauty Queen”.
Ang maganda pa kay Janine, tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University bago niya pinasok ang showbiz.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.