VICE GANDA

Vice Ganda tinatawanan na lang AlDub

Vinia Vivar Jun 9, 2024
44 Views

Tinatawanan na lang ni Vice Ganda ang AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza na noo’y nagpabagsak sa ratings ng It’s Showtime.

As we all know, sumikat nang husto ang AlDub sa Eat Bulaga na kalaban ng It’s Showtime. During the height of the success ng loveteam, talaga namang inilampaso nila ang ratings ng katapat na noontime show.

Kaya naman very memorable para sa buong It’s Showtime family ang AlDub era na nababanggit pa rin nila hanggang ngayon.

Sa segment na Expecially For You ng It’s Showtime ay kinanta nina Vice Ganda at Jhong Hilario ang God Gave Me You, theme song ng AlDub.

Ginaya pa ng dalawa ang pabebe moves nina Alden at Maine noon at nagtatawanan sila.

Sey ni Vice, “Ngayon, tatawa-tawa tayo. Dati iiyak-iyak tayo diyan sa AlDub. Dati, luha tayo diyan.”

Hirit naman ni Jhong, “Walang tulog (ang) staff nu’n, eh.”

Pag-ayon ni Vice, “Oo, sa bahay na gumagawa ng script, sa bahay ko. Wala kaming tulog.”

Tawanan sila ulit.

Sabi pa ni Vice, “Lahat ng posisyon sa Showtime, napuntahan ko, eh.”

Sey naman ni Jhong, “Pero bilib ako sa staff, ha? Six months, walang tulog, kaya.”

Sa huli ay binati naman nila sina Maine at Alden.

“Hi Alden, hi Maine,” ani Vice.