Carlo & Charlie

ABS-CBN bigwigs principal sponsors sa kasal ni. Carlo at Charlie

Vinia Vivar Jun 9, 2024
56 Views

Carlo & CharlieIkinasal na ngayong hapon (Sunday, June 9) sina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Base sa nakuha naming impormasyon, kabilang sa principal sponsors sa naturang secret wedding ay sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Board of Directors member Charo Santos-Concio, Maricel Soriano, Olivia Lamasan, Vilma Santos-Recto, Veronique del Rosario-Corpuz of Viva, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Beautederm CEO Rhea Tan, Senator Bong Revilla and his wife Cong. Lani Mercado.

Si Sue Ramirez ang naging maid of honor habang sina Belle Mariano, Kaila Estrada at Adrian Lindayag ang bridesmaids.

Sina Ketchup Eusebio at Ramon Bautista naman ang dalawa sa naging groomsmen.

Candle sponsor si Loisa Andalio, veil sponsor si Elisse Joson at si Alexa Ilacad naman sa cord.

Kahapon din ng umaga ay nag-post si Carlo ng larawan na tila pre-nuptial photo nila ni Charlie. Makikita rito na magkahawak sila ng kamay habang nasa tabi ng lake.

“Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_,” ang caption ni Carlo.

Sa comment section ay sumagot naman si Charlie ng “I love you.”

Marami naman ang humanga sa husay nina Carlo at Charlie na maitago ang kanilang kasal dahil wala talaga silang detalye na inilabas at ni hindi nga nabalitang nag-propose ang aktor sa girlfriend.

Bago ang kasal ay dumalo pa si Charlie sa 47th Gawad Urian Awards noong Sabado ng gabi kung saan ay hinirang siyang Best Actress para sa pelikulang “Third World Romance.”

Dito ay na-interview ng press ang aktres at hanggang sa huling sandali ay hindi niya talaga inamin ang kasalang magaganap kinabukasan.