Andrea

IG pics ni. Andrea ni-Like ni Seo Yea-Ji

Vinia Vivar Jun 14, 2024
34 Views

Napaiyak, nagsisisigaw at halos maglupasay sa tuwa si Andrea Brillantes nang makita niya na ni-like ng sikat na South Korean actress na si Seo Yea-Ji ang kanyang mga post.

Sa Instagram Story ng aktres ay mapapanood ang video ng moment na nadiskubre niya na ni-like ng nasabing Korean actress ang kanyang mga larawan sa Instagram.

Paulit-ulit niyan sabi, “Hindi ‘to totoo…” habang nakatingin sa cellphone niya.

Maririnig sa background ang boses ng isang babae na nagtatanong ng “ano, ano?” Sey naman ng isang lalaki, “Patingin, patingin.”

Sabi ni Blythe, “Wait lang, ime-make sure ko lang…”

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay bigla na lang siyang nagsisigaw at tila hindi na makahinga.

Umiyak na si Andrea at sinabing, “Ni-like ni Seo Ye-Ji!”

Matagal na hindi nakapagsalita ang aktres at super-cry na lang siya.

Maya-maya naman ay nagsisigaw na siya at sey niya, “Oh, my God! Ni-like niya!”

Paulit-ulit pa niyang tili, “Oh, my God! Lord, thank you!”

Kasunod nito ay proud na ibinahagi ng aktres ang limang photos niya na ni-like ni Seo Ye-Ji at tinag pa niya ang aktres.

“Ilysm @yeyeji_seo (crying emoji) Limang pictures ko pala ‘yung ni-like niya hindi lang isa (crying emoji) oh my gosh,” caption ni Andrea.

Si Seo Yea-Ji ang bidang aktres sa hit Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay with Kim Soo-Hyun na umere noong 2020.

Dahil sa sobrang kasikatan ng nasabing K-drama ay magkakaroon ito ng Philippine adaptation na pagbibidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino.

Heart magaling bumaril

Puring-puri ni Carla Abellana ang kapwa-Kapuso actress na si Heart Evangelista sa paghawak ng baril.

Sa recent Instagram post kasi ni Heart ay mapapanood ang video ng mga practice session niya sa firing range at makikita roon kung gaano siya kahusay sa pagbaril.

Makikita rin sa video ang pagpapaputok ni Heart gamit ang iba’t ibang klase ng baril mula sa maliit hanggang sa long firearms.

Kaya naman bilib na bilib ang mga netizen sa kanya at komento nga nila, super-badass pala ng Senate First Lady.

Kabilang nga sa mga pumuri si Carla at komento niya, “Only Love Marie can fire guns with so much style and class.”

Marami naman ang um-agree sa sinabi ng aktres at may mga humiling pa na magkasama sana sila sa isang action project.