De Lima

Babala ni PBBM na maghanda sa mga banta seryoso — De Lima

94 Views

SERYOSO ang babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangan maging handa sa lahat ng posibilidad bunga ng panloob at panlabas ng mga banta na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, ayon kay dating senador Leila de Lima.

Nanawagan ang ex-senator sa bawat Pilipino na suportahan ang punong ehekutibo na tumayo at lumaban sa anumang banta na kinakaharap ng ating bansa.

Dapat lamang magising ang mga PIlipino sa kasalukuyan mga banta na kinakaharap natin na nais pahinain ang kasalukuyan pamahalaan para sa kanilang pansariling interes at pansariling kapakanan.

Itinuro ng dating senadora ang mga Dutertes at POGOs bilang panloob na banta sa ating bayan at ang panlabas naman ang Tsina na aniya’y konektado sa isa’t-isa.

Ipinagkibit balikat ni de Lima ang umanoy insureksyon kaakibat sa mga New Peoples Army (NPA) kung saan ay sinabi niyang wala na itong malakas na kakayahan.

Sinabi rin ni de Lima na pina-isipan ng maige ng pamahalaan ang tunay na banta sa kasalukuyan at ang pagtuon nito sa West Phil Sea gayundin sa Tsina sa ginagawa nitong pagmamalabis dahil sa pinagtatalunang isyu ng WPS.

Inihalintulad ni De Lima ang POGOs sa umanoy binaliktad na opium war na siyang ginamit ng mga mananakop na Britain sa China kung saan na ginagamit din ang nasabing istilo laban sa atin ng China gamit ang POGO upang unti-unti tayong masira at makontrol.

“It is highly possible that POGOs will install a Manchurian candidate. It is not impossible that they will corrupt our public officials and bastardize our legal system and undermine our rule of law.

This is war. They want to destroy our social order. ‘Pag nasira ang Pilipinas, mas mako-control tayo ng China– ang goal kontrolin ang ating political, social, judicial system. This is war,” giit ni de Lima.

Dagdag pa ng senadora: “Ang mindset nila, pera pera lang ang gagamitin nila sa atin. Ang POGOs parang jueteng yan. It corrupts public officials.

Gayundin ang drugs. Karamihan ng drug lords from mainland China. Ang POGO talagang ginagamit yan sa atin at nakakabahala dahil sa social cost.

It weakens our social order at pag nasira na nila tayo, then kontrolado na. This is their goal. Palaganapin ang drugs, ang POGOs, kontrolin ang social, legal, political system through corruption.”

Inilarawan din ni de Lima ang West Philippine Sea kung bakit determinado aniya ang China na guluhin at pagwatak-watakin tayo bilang taktika upang masira tayo bilang isang matatag na bansa na lalaban para sa soberenya natin.

“Real theat is yung mga POGOs na yan, extremism in the South and yung mga Dutertes na yan na mga maingay at nanawagan sa ouster ni PBBM, nanawagan ng seccession sa Mindanao, na siyang talagang at real internal threats ng bansa.

But we also have to prepare for external threat. Both internal and external. We have to prepare. At malinaw ang posisyon ni PBBM diyan,” giit ni de Lima sabay sabi na hindi na dapat patagalin pa ang POGO at i total ban na aniya ito.