DFA

Detalye ng pagkatao ni Guo aalamin sa Chinese Embassy

109 Views

MAKIKIPAG-UGNAYAN sa Department of Foreign Affairs (DFA) sina Senator Sherwin Gatchalian gayundin ang Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa pamumuno ni Sen. Risa Hontiveros upang makipag-ugnayan ang nasabing ahensiya sa mismong Chinese Embassy para hingin ang detalye mismo ng pagkatao at ilan pang pagkakakilanlan ng kontrobersial na Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo.

Ayon kay Gatchalian, importante na makuha nila ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Mayor Guo sa likod ng patuloy nitong pagtanggi na siya rin ang si Guo Hua Ping na dumating sa bansa nuong 2003.

โ€œWe will do it through proper channel. The committee headed by Senator Risa Hontiveros will coordinate with the DFA who will send a letter to the Chinese Embassy in order to know the real identity of Guo,” ani Gatchalian.

Matatandaan na nauna ng ibinulgar ni Gatchalian na mismong and Board of Investment ang naglahad na si Guo at ang kanyang pamilya ay dumating sa bansa at nag apply ng Special Investorโ€™s Resident Visa (SIRV) nuong 13 anyos pa lamang ang mayora.

Base rin sa BOI ang kanyang nakalahad na biological na ina ay si Lin Wen Yi taliwas sa unang sinabi nito na anak siya ng isang kasambahay na nagangalan na si Amelia Leal Guo na hindi niya raw nasilayan kahit minsan.

“Siya mismo ang nagsasabi sa mga kapitbahay at mga kakilala nila sa Valenzuela na itong si Lin Wenyi ang kanyang tunay na ina. At ang address na binigay niya sa Senado kung saan sila dati nakatira ay pareho sa nakalagay na dokumento nila sa BOI. Gayundin ng taun kung saan sinabi niyang duon itinayo ang embroidery business nila,” ani Gatchalian na nagsabing tugma ang mga lahad ni Guo sa senado at sa nakuhang mga dokumento sa BOI.

Ang gagawing masusing pag-iimbestiga sa tulong ng ibang ahensiya ay bunsod ng patuloy na pagtanggi ni Mayor Guo na siya nga ang batang nasa litrato nuong 13 anyos pa lamang ito taun 2003.

“Dahil nuong pumasok siya sa Pilipinas ay 2003 na at 13 years old na rin siya. At iyon din ang dahilan kung bakit nag avail ang tatay niya ng late registration dahil nasa China siya talaga nuong mga panahon nang kanyang kabataan,” ani Gatchalian.

Para naman kay Sen. Loren Legarda, naniniwala siyang ang batang nasa litrato ay mismong si Mayora Guo at wala na aniyang iba pa.

“I suggest that the PSA temporarily suspended the late registration system while lawmakers are crafting the necessary measures to ensure that this late registration cannot be use and abused by unscrupulous people,” mungkahi pa ni Legarda.