Martin3

PhilHealth inaprubahan hiling ni Speaker Romualdez na dagdag cash ayuda sa mga nagda-dialysis

121 Views

INAPRUBAHAN na ng PhilHealth board, sa pangunguna ni Health Sec. Ted Herbosa, ang request ni House Speaker Martin Romualdez na dagdagan ang financial assistance ng PhilHealth para sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients sa buong bansa.

Ayon kay Sec. Herbosa, mula sa P2,600 per session, tataasan na hanggang P4,000 ang sasagutin ng PhilHealth para mapasama na ang iniksyon at iba pang gamot na maaring hiwalaya na i-claim ng pasyente.

“This was the request of Speaker Romualdez, base na rin sa pahayag ng pangulo noong nakaraan niyang SONA na gawin ng totally free ang hemodialysis treatment,” ayon kay Herbosa, na chairman din ng PhilHealth.

Lubos naman ang pasasalamat ni Speaker sa mabilis na pagtugon ng PhilHealth sa kanyang hiling.

“Sobrang salamat PhilHealth kasi we proposed it to them just last month at heto may resulta na agad”.

“Maraming Pilipino ang makikinabang sa dagdag financial assistance na ito ng ahensya”, ayon sa lider ng Kongreso.

Base sa tala ng Department of Health (DOH) may 4.5 milyong Pilipino ang diabetic at higit isang milyon ang nagpapa-dialysis.

“Malaking tulong talaga ito dahil pati gamot o iniksyon na laging problema ng mga pasyente, finally sasagutin na rin ng PhilHealth,” dagdag pa ni Romualdez.