Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Arestado Source: FB file photo

60-anyos na lolo arestado sa panghahalay

Edd Reyes Jul 2, 2024
446 Views

TIKLO ang isang lolo dahil umano sa panghahalay sa Valenzuela noong Lunes sa Batangas.

Sa report ni Valenzuela acting police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagulat ni alyas Willy, 60, sa mga pulis sa Relocation Site, Brgy. Palikpikan, Balayan, Batangas dakong alas-6:00 ng gabi.

Nahuli siya ng makakuha ng impormasyon ang mga tauhan ng Valenzuela Police Intelligence Section at Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pinagtaguang lugar ng akusado.

Sa tulong ng mga tauhan ng Balayan Police na hiningan ng koordinasyon ng Valenzuela police, naisilbi sa akusado ang warrant of arrest galing kay Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Maria Nena Juaban Santos ng Branch 171 para sa kasong panghahalay.
Nasa selda ngayon ng Valenzuela police ang akusadong lolo habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglipat sa kanya sa Valenzuela Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).