Batas bayan mamayan

Mga pula, kakampi na nina Leni-Kiko

400 Views

HUWAG na dapat magsinungaling pa sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa mga mamamayang Pilipino. Dapat aminin na lang nila ang halatang-halatang katotohanan na kakampi nila ang mga komunista sa Pilipinas sa darating na halalan ngayong Mayo 2022.

​Laganap na sa mga ulat sa mga pahayagan, telebisyon at radyo na tinatangkilik ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang pagtakbo ni Robredo bilang pangulo ng Pilipinas, at ni Pangilinan bilang kanyang bise presidente.

​Ayon sa lahat ng mga surveys, si Bongbong Marcos (BBM) ang nangunguna sa mga lumalahok sa halalan sa pagkapangulo ngayong Mayo 2022. Alam ng mga komunista na malalansag sila at magiging bale-wala kapag naging Pangulo ng Pilipinas si BBM.

​Sa pananaw ng mga komunista, ang tanging pagkakataon upang sila ay hindi malansag ay kung ang mahalal na pangulo ay mahina, hindi matalino, at walang nalalaman sa pagbaklas ng CPP-NPA-NDF. Nakikita nila na ang pagkakataong iyon ay maari nilang makamit kapag si Robredo ay maging pangulo.

​Kitang-kita naman na palpak si Robredo. Walang laman ang mga sinasabi ni Robredo sa pahayagan, telebisyon at radyo. Kalat mag-isip at dinadaan na lang sa ngiti ang kanyang kapalpakan.

​Abogada nga si Robredo, ngunit bumagsak naman siya sa Bar Exam nuong una niyang kuha. Tapos, pinagmamalaki pa niya sa kanyang mga patalastas sa TV na siya ay abogada ng mga mahihirap, kahit wala naman siyang pagpapatunay.

​Kadalasan, hindi alam ni Robredo ang batas tungkol sa mga pang-araw-araw na mga usapin sa bansa.

​Bukod diyan, sunud-sunuran lang si Robredo sa mga utos ng mga prayleng Katoliko, pati na rin ang mga madre mahilig maki-alam sa pulitika. Tulad nina Pangulong Corazon Aquino at Pangulong Noynoy Aquino, isang hiling lang ng mga prayle at madre, “oo” kaagad ang tugon ni Robredo. Kaya naman mahal na mahal ng mga Padre Damaso at Madre Damasa si Robredo.

​Natural, mayroon kapalit ang pagpanig ng mga komunista kina Robredo at Pangilinan. Makatitiyak ang bayan na magkakaroon ng kapangyarihan ang mga komunista sa pamahalaan sakaling si Robredo ang mamumuno ng ating bansa.

​Ang pinakapatotoo na ang mga komunista ay magkakapangyarihan sa pamahalaang Robredo ay si Pangilinan. Nuong nag-aaral pa si Pangilinan sa kolehiyo, kakampi na niya ang mga aktibistang mayroong ugnayan sa CPP-NPA-NDF. Ipinagmamalaki pa nga ni Pangilinan ito sa kanyang kasalukuyang pangangampanya.

​Isa ring patotoo na kakampi nina Robredo at Pangilinan ang mga komunista ay ang pagdalo ng mga kasalukuyan at dating mga kongresistang may ugnayan o simpatiya sa mga CPP-NPA-NDF. Ayon sa mga ito, sina Robredo at Pangilinan ang kanilang mga kandidato sa darating na halalan.

​Mapapansin din na ilan sa mga kandidato para sa Senado na panig kina Robredo at Pangilinan ay mayroon ugnayan o simpatiya sa mga komunista. Yung isa nga sa mga nasabing kandidato nila, natalo na nuong halalan sa Senado nuong taong 2019. Talo na nga dati, ngayon pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa mga botante.

​Walang matinong mangyayari sa Pilipinas kapag nagkaroon ng kapangyarihan ang mga komunista. Bukod dito, wala ring magandang kinabukasan ang kabataang Pilipino kapag payagan ng mga botante iluklok sa pamahalaan, sa pamamagitan nina Robredo at Pangilinan, ang mga komunista.

​Huwad na Pilipino sina Robredo at Pangilinan. Mga tuta sila ng mga komunista. Huwag tayo magpaloko sa kanila.