Magsino1

Mga OFWs na balik Pinas nabiyayaan din ng tulong mula sa BPSF program

Mar Rodriguez Aug 3, 2024
103 Views

MartinMartin1𝗧𝗔𝗖𝗟𝗢𝗕𝗔𝗡, 𝗟𝗘𝗬𝗧𝗘 – 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝘂𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝗻𝗮 𝗶𝗱𝗶𝗻𝗮𝗼𝘀 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝘀𝗮 𝗘𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀).

Ang labis na ikinagagalak ni Magsino ay ang pagkakasama o napabilang sa mga nabiyayaan ng BPSF program ay ang mga dating OFWs na bumalik sa Pilipinas o “Balik Pinas” program na isinusulong naman ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay Magsino, ang mga nasabing OFWs ay nakasama sa 8,500 benepisyaryo mula sa Eastern Visayas upang matulungan silang makapagpatayo o makapag-pundar ng kanilang sariling negosyo dito sa Pilipinas matapos ang kanilang repatriation mula sa bansang dati nilang pinagtata-trabahuhan.

Paliwanag ni Magsino, pagkatapos na makabalik ng Pilipinas ang mga tinatawag na “distressed OFWs” ang iniisip umano ng mga ito ay kung papaano sila makakapag-simula ng kanilang kabuhayan matapos silang mawalan ng trabaho sa ibang bansa at pabalik ng bansa.

Kaya ang sabi pa ng kongresista, napakalaki aniya ang pasasalamat nito kina President Ferdinand “Bongbong” R
Marcos, Jr. at Speaker Martin Romualdez dahil sa BPSF program na napakaraming mga mahihirap na mamamyang Pilipino ang natutulungan nito kabilang na ang mga OFWs.

Ayon naman kay Speaker Romualdez, ang isinusulong nilang tatlong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos sa Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang CARD Program ay isang rebolusyunaryong inisyatiba ni Speaker Romualdez na naglalayong mabigyan ng bigas at tulong pinansiyal ang mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan sa mga Legislative district ng Kamara de Representantes.

Kabuuang 3,000 beneficiaries naman mula sa Eastern Samar ang pinagkalooban ng tig 5,000 at 20 kilo ng bigas sa isang simpleng seremonya sa Tacloban City Astrodome.