Magsino

Mental health problem ng mga OFWs ikinabahala ni Magsino

Mar Rodriguez Aug 6, 2024
45 Views

Magsino1𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 sa 𝘀𝘂𝗹𝗶𝗿𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 (𝗢𝗙𝗪𝘀) 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻𝗴 “𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺” 𝗼 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗿𝗲𝘀𝘀, 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻.

Ito ang nilalaman ng privilege speech ni Magsino matapos itong tumindig sa Plenaryo ng Kamara de Representantes para ilatag ang kaniyang pagkabahala hinggil sa tinawag nitong “mental health challenges” na pinagdadaanan ngayon ng mga OFWs.

Dahil dito, nananawagan si Magsino kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. upang agarang aksiyunan nito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga komprehensibong programa para tulungan ang kasalukuyang kalagayan ng mga OFWs.

Ang ibinigay na mensahe ni Magsino sa kaniyang talumpati ay kaugnay sa naging “narration” o paglalahad ng mga OFWs mula sa Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Singapore, Taiwan at South Korea na nakaranas ng matinding mental health problem dulot ng mental stress kasama na ang trauma.

Ayon kay Magsino, personal umano nitong nasaksihan ang pinagdadaanan o “struggles” ng mga OFWs na nagdudulot naman ng matinding epekto sa kanilang pagkatao. Kabilang dito ang sobrang pagkabalisa o anxiety, depression at post-traumatic stress.

Binanggit din ng OFW Party List Lady solon sa kaniyang privilege speech na mas lalo pang pinalalala ang kalagayan ng mga OFWs dahil sa nangyayaring discrimination at iba pang sumusunod na kadahilanan gaya ng poor working conditions, separation from family at iba pa.

“Mabigat ang hamon sa pagta-trabaho sa ibang bansa at ito’y nadaragdagan pa ng mga problema sa amo ng mga OFWs dahil sa kanilang kontrata, mga utang nila at ang kalungkutan sa pagkakawalay nila sa pamilya. At kapag sila’y dumaranas na ng mental health issues, takot din sila na matanggal sa kanilang trabaho kaya umiiwas silang magpatingin,” sabi ni Magsino sa kaniyang talumpati.