OFW

Consul Gen Sales inaasahan mas matibay na ugnayan ng Kalayaan, PH community sa Texas

279 Views

OFW1OFW2

DUMALO sa kanilang unang gala si Consul General Gunther Sales sa Houston, Texas kamakailan.

Idinaos ang event sa temang Sambayanan at nagtipon ang mga kababayan sa Central Texas upang ipagdiwang ng komunidad ang pagsasama-sama.

Ang kaganapan ay pagdiriwang ng lahat na binuo ni Paul Kalugdan at ng grupong Kalayaan sa loob ng pitong taon at pagsuporta sa mga Pilipino sa Fort Hood.

Pagtanggap din sa mga bagong dating na guro at narses at pagpapadala ng tulong sa Pilipinas.

Ang presensya ni Killeen Mayor Riakos Adams ay sumasalamin sa pagpapahalaga sa lugar ng mga Filipino community sa lungsod.

Inaasahan ng Konsulado Heneral ang mas malakas, mas matatag na pakikipagtulungan sa grupong Kalayaan at sa komunidad ng Filipino sa Central Texas.