OFW

Sistema ng inobasyon sa Pinas maaaring palakasin ng mga Pinoy abroad

50 Views

OFW1OFW2

MATAGUMPAY na nagdaos kamakailan ng “Balik* bayan San Francisco Roundtable at Forum ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa San Francisco at Endeavor Philippines, na dinaluhan ng 50 kalahok mula sa Filipino community, pribadong sektor, at mga komunidad ng inobasyon sa Philippine Center.

Ang kaganapan ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na palalimin ang pakikipag-ugnayan sa mga Pilipino sa ibang bansa at gamitin ang kanilang kaalaman at mga network upang suportahan ang lumalagong larangan ng inobasyon sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Deputy Consul General Maria Paz Cortes ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno, mga kasosyo sa pribadong sektor, at mga negosyanteng Pilipino.

Ang mahalagang papel ng National Innovation Council ay ang pag-aayon ng mga patakaran, pagtugon sa mga estruktural na hamon, at pagsusulong ng inklusibong paglago sa pamamagitan ng inobasyon.

May presentasyon ang mga miyembro ng Executive ng National Innovation Council na sina Fam Alonto at Earl Martin Valencia.

Idiniin nila nag kahalagahan ng pagbuo ng “multiplier effect,” kung saan ang mga batikang negosyante at mamumuhunan ay aktibong sumusuporta at tumutulong sa pagpapalakas at pagpapalawak ng ekosistema ng inobasyon.

Ang mga organisasyon tulad ng Endeavor Philippines ay binanggit para sa pagpapalaganap ng kulturang ito sa mga high-impact na negosyante.