Yulo

‘Araw ni Carlos Yulo’ na tuwing Aug. 4 sa Maynila

Edd Reyes Aug 17, 2024
71 Views

APRUBADO na ang ordinansang nagdedeklara bilang “Araw ni Carlos Yulo” tuwing Agosto 4.

Sinabi ni Konsehal Philip Lacuna, author ng ordinansa, na isinulat niya sa Pilipino ang ordinansa para gunitain ang Agosto bilang “Buwan ng Wikang Pambansa.”

“Carlos Yulo Day is simply a day of commemoration. So, while it is a regular day, there will be activities to honor the pride that Caloy has brought to our country, with the hope of inspiring our citizens to excel in their respective fields,” paliwanag ng konsehal,

Naghihintay na lang ng lagda ni Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan ang ordinansa.

Ito’y nakatuon sa buhay at karera ni Carlos Edriel P. Yulo na liumaki at nagpakahusay sa larangan ng palakasan sa Maynila, nagtapos ng elementarya sa Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate, kumatawan ng ilang ulit sa Palarong Pambansa at nagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo sa Adamson University.

Sinabi ni Mayor Lacuna na hindi masusukat ang timbang at halaga ng nasungkit na dalawang gold medal sa Paris Olympic ni Carlos Yulo.

“His name is forever etched in the memories and hearts of all Filipinos,” sabi ng alkalde.