Tiangco Navotas Rep Toby Tiangco

Komprehensibong programa vs baha suportado ni Tiangco

Edd Reyes Sep 8, 2024
55 Views

SUPORTADO ni Navotas Rep Toby Tiangco ang panawagang magtatag ng komprehensibong plano sa pagkontrol ng baha sa buong bansa.

Ayon kay Tiangco, ang mga nakaraang insidente ng pagbaha sa Metro Manila patunay na kinakailangan ang paghahanda upang maagapan ang malawakang pagbaha.

“Instead of being reactive to the effects of climate change, we should put in place a large-scale and long-term plan against floods,” sabi ng kongresista.

Ang pahayag ni Tiangco bunsod ng pagbibigay-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng pangangailangan na baguhin ang flood hazard maps dahil ang lahat nasorpresa nang bahain pati mga lugar na hindi dating binabaha ng mga nagdaang bagyo.

“We will only be able to do this if we take an integrated, inter-agency approach that will undertake a comprehensive review and analysis of current flood risks as well as a multi-disciplinary approach to proposed mechanisms for flood control,” sabi ni Tiangco.

Binanggit pa niya ang maraming dahilan ang problema sa pagbaha mula sa pagbabago ng panahon, paglago ng bawat lungsod, kakulangan ng imprastraktura at maging pag-uugali ng tao.

Sabi pa ni Tiangco, kinakailangan ang pagtutulungan ng kinauukulang mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan sa paglutas sa problema ng pagbaha pati na sa paglalaan ng sapat na pondo at paggamit ng makabagong teknolohiya.