Bar exam Ito ang sitwasyon sa unang araw ng Bar exam sa San Beda College sa Mendiola at University of Sto. Tomas sa Espana Blvd., Sampaloc, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

MPD sinisiguro maayos, mapayapang Bar Exams

Jon-jon Reyes Sep 8, 2024
30 Views

UMARANGKADA na ang una sa tatlong araw na Bar exams noong Linggo sa 13 testing centers sa buong bansa.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) chief PBrig. Gen. Arnold Thomas Ibay na mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis sa paligid ng University of Santo Tomas at San Beda University sa Manila upang matiyak na maging maayos ang pagdaraos ng bar exams.

Ayon kay MPD-PIO chief Major Philipp Ines, 400 pulis mula sa District Mobile Force Battalion ang idi-neploy sa loob at labas na pinagdausan ng bar exams.

Hindi pa sumisikat ang araw pumila ang mga Bar takers para sa kanilang pagpasok sa mga testing centers.

Ang iba pang testing centers sa National Capital Region (NCR) ang University of the Philippines- Diliman, Quezon City and Bonifacio Global City, Taguig; San Beda College-Alabang, Muntinlupa; at Manila Adventist College-Pasay

Luzon: Saint Louis University, Baguio City; University of Nueva Caceres, Naga City;

Visayas: University of San Jose-Recoletos, Cebu City; Central Philippine University, Iloilo City; at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation, Tacloban City; at

Mindanao: Xavier University, Cagayan de Oro City; Ateneo de Davao University, Davao City.

Muling gaganapin ang bar exam sa Sept. 11.

Sa Maynila,nagpatupad ng road closures mula alas-2:00 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng gabi sa mga araw ng pagsusulit.

Nagpatupad din ng liquor ban sa paligid ng mga testing centers.