Calendar
Pagtugon ng mga gobernador sa hamon ni Speaker Romualdez ikinagalak
๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ ๐๐น๐น๐ฒ๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ญ-๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น “๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ฒ” ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ, ๐ฃ๐ต.๐., ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐ด๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ฎ’๐-๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ฎ๐บ๐ผ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐ธ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ-๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐๐ด๐ฎ๐ฟ.
Ayon kay Romero, napaka-positibo ang naging pagtugon ng mga gobernador sapagkat mismong sila ay nagpahayag ng kanilang kahandaan na makipag-tulungan sa pamahalaan upang wakasan ang laganap na kahirapan sa kanilang sariling lalawigan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang makakatulong sa mga kapos-palad na mamamayan.
Paliwanag ni Romero na hindi kakayanin ng gobyerno ang kampanya kontra kahirapan kung walang suporta at kooperasyon mula sa local government units (LGUs) partikular na sa mga lalawigan na ramdam ang kahirapan dahil hindi naaabot ng tulong mula sa pamahalaan.
Dahil dito, pinapurihan ng chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation ang mga provincial governors dahil sa ipinakita nilang commitment kay Speaker Romualdez para tulungan ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa kampanya nito laban sa kahirapan at iba pang problemang kinakaharap ng bansa.
Aminado si Romero na isang napaka-seryosong problema ang kahirapan kaya nararapat lamang na magkaroon ng konkretong hakbang para masolusyunan ang naturang problema sa pamamaraan ng pagtutulungan ng lahat ng sangay ng pamahalaan kasama na ang LGUs.
Sabi pa ni Romero na hindi lamang sa iisang lugar nararamdaman ang kahirapan kundi sa buong bansa lalo na sa mga lugar na hindi nakakarating ang tulong at ayuda mula sa pamahalaan. Kaya kailangan talaga aniya ang pakikipagtulungan ng mga gobernador ng iba’t-ibang lalawigan.