Calendar
Ilocos Norte nakatanggap ng P157M ayuda mula kay PBBM
AABOT sa kauuang P157.9 milyong halaga ng ayuda ang ipinamigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda sa Ilocos Norte.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pamimigay ng ayuda bilang bahagi sa paggunita sa Marcos Day Celebration para sa ika-107 na kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. saa Batac City, Ilocos Norte.
“Ang mga tulong na ito ay bahagi lamang ng mas malaking hangarin natin para sa lahat na isang pagkilala sa sipag at sakripisyo na ibinubuhos ninyo sa Ilocos at para sa buong bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Every step that we take comes under the the unity that we have forged between the different agencies of our government. Lahat po ay magkasama,” dagdag ng Pangulo.
Pagtitiyak ni Pangulong Marcos, on top of the situation ang Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para tugunan ang problema ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Nasa 1,000 na magsasaka, mangingisda at livestock raisers ang nabigyan ng ayuda gaya ng seeds, tractors, fertilizers, fishery paraphernalia, fuel subsidies, solar-powered irrigation systems at iba pa.