Calendar
Chiz pinuri mga kandidato sa pagka-senador ng PBBM admin
PINURI ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kandidato sa pagka-senador ng administrasyong Marcos na ayon sa kanya’y “mga batikan at may sapat na kwalipikasyon.”
Ibinahagi ni Escudero ang kanyang pananaw tungkol sa 2025 elections at inamin na ramdam na niya ang excitement ng halalan.
Mas mahalaga na tutukan ang demokratikong proseso mismo kaysa sa mga posibleng alitan, ayon sa Senate president.
Gayunpaman, sa kabila ng kanilang mga kwalipikasyon, binigyang-diin ni Escudero na ang tunay na desisyon nasa mga kamay ng mga botante.
Ipinaliwanag ni Escudero na ang dynamics sa politika ngayon karaniwan lamang tuwing midterm elections.
Binigyang halimbawa niya ang midterm elections noong 2007 sa ilalim ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung kailan hati ang bansa sa isyu ng impeachment.
Subalit naniniwala si Escudero na hindi ganoon kalaki ang pagkakahati sa kasalukuyang political climate kaya’t mas malaya ang galaw sa eleksyon ngayon.
Ibinahagi din niya na habang mahalaga pa rin ang personal na pakikipag-ugnayan, binago na ng makabagong media landscape ang estratehiya sa pangangampanya.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at respeto sa pagitan ng mga kandidato at botante.