BDO Kasama sina DepEd Camarines Sur Schools Division Superintendent Norma B. Samantela, CESO V at BDO Foundation president Mario Deriquito sa pagsasagawa ng financial literacy session. Larawan mula sa Empower and Transform

Mga guro natututo ng financial literacy sa pangunguna ng BDO Foundation

85 Views
BDO1
Aktibong nakilahok ang mga guro sa mga visioning exercises na idinisenyo upang tukuyin ang kanilang financial goals. Larawan mula sa Empower and Transform

Edukasyong lagpas sa naaabot ng silid-aralan:

ANG impluwensya ng isang guro ay hindi nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan. Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro sa paggabay sa kabataan, nagsagawa ang Department of Education (DepEd) at BDO Foundation ng isang financial literacy session para sa 20 guro mula Naga, 20 guro mula Iriga, at 60 guro at non teaching personnel mula Camarines Sur bilang paggunita sa National Teachers’ Month ngayong taon. Ito ay pinangunahan ng Schools Division Office – Camarines Sur.

Ang session ay idinisenyo upang bigyan ng kapangyarihan ang mga guro, lalo na yaong nasa unang bahagi ng kanilang karera, at nakatuon sa mahahalagang aral sa pamamahala ng pera tulad ng budgeting, pag-iimpok, financial planning, pamamahala ng utang, at pag-iwas sa mga pandaraya at scam.

“As teachers, we are responsible for setting a positive example to our students – we are their second parents after all,” ayon kay Norma Samantela, superintendent ng Schools Division ng Camarines Sur.

“This training initiative enables us to be better role models as we make sound financial decisions and secure our futures and those of our families,” dagdag pa niya.

Magkasama ang DepEd at BDO Foundation sa pagpapabuti ng antas ng financial literacy ng mga benepisyaryo sa sektor ng edukasyon. Kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas, kasalukuyan nilang ipinatutupad ang isang financial education program para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Pinangunahan ni Salve Duplito, isang beteranong business journalist at masugid na tagapagtaguyod ng financial education, ang sesyon na ginanap sa Lotus Blu Hotel. Bilang anak ng isang ina na isa ring guro, inilahad niya ang mga karaniwang hamon na nararanasan ng mga guro, lalo na ang may mga responsibilidad sa pamilya.

“Sharing the gift of knowledge that hones the minds of the youth is what teachers do best. We want to give back to them in the same way – through financial education,” ani Duplito.

Ang financial inclusion ay isa sa mga pangunahing haligi ng programa ng BDO Foundation, ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank. Ang inisyatiba sa Naga ay isa sa maraming hakbang ng organisasyon upang manguna sa mga aksyon na naglalayong mapabuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga Pilipino sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ano nga ba ang BDO Foundation?

Ang BDO Foundation ay ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank. Itinatag noong 2008, ang foundation ay may layong makapagbigay tulong sa nation-building sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng mga programa sa financial inclusion, disaster response, rehabilitation at rebuilding.

Suportado ng komunidad ng BDO Unibank at sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at mga non-governmental organizations, ang BDO Foundation ay nagsasagawa ng mga relief operation, rehabilitasyon ng mga rural health units, konstruksyon ng mga school building, at pagpapatupad ng mga financial education program sa buong bansa.

Ang mga corporate citizenship initiatives nito ay kinilala sa Retail Banking Awards ng Asian Banking & Finance magazine at Asia Responsible Enterprise Awards ng Enterprise Asia.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.bdo.com.ph, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 8840-7000 local 36046.