Del Rosario

Paglipat ni Alvarez kay Robredo walang epekto sa panalo ni BBM

236 Views

LUMIPAT man si dating Speaker Pantaleon Alvarez sa kampo ni Vice President Leni Robredo hindi pa rin umano ito makakaapekto sa panalo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paparating na presidential elections.

Ayon kay dating Davao del Norte Gov. Anthony Del Rosario, secretary-general ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) hindi pa rin magbabago ang resulta ng halalan batay sa mga survey.

“BBM (Marcos) will still win as president. Wala diperensya po ‘yun” sabi ni del Rosario. “I dont think anything will change. BBM will still win as president. Wala diperensya po ‘yun.”

Iginiit ni del Rosario na mananatili ang kanilang suporta kay Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ipinangako rin ni del Rosario ang landslide victory nina Marcos at Duterte sa ikalawang distrito ng Davao del Norte samantalang sa District 1 ay doble-kayod umano sila upang masiguro ang malaking kalamangan ng dalawa sa kani-kanilang kalaban.

Nagtataka pa rin umano si del Rosario kung bakit ipinagpalit ni Alvarez si Sen. Panfilo Lacson kay Robredo.