BBM-Sara Sina UniTeam presedential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Lakas-CMD/HNP vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa grand rally sa Digos City, Davao Del Sur. Kuha ni VER NOVENO

Upang mas maraming botante ang maabot, BBM, Mayor Sara maghihiwalay sa pangangampanya

146 Views

MADALAS pa rin umanong maghihiwalay sa pangangampanya sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte upang mas maraming botante ang kanilang maabot.

Sinabi ni Duterte na magkaiba ang mga lugar na kailangang puntahan niya at ni Marcos at konti na lamang umano ang nalalabing panahon bago ang May 9 elections.

“Maraming areas ang ‘di po kami magkasama [ni Bongbong] dahil iba-iba po iyung areas na kailangan naming tutukan,” sabi ni Duterte.

Noong Huwebes ay nangampanya si Duterte sa Limay, Bataan, at Antipolo City, samantalang si Marcos ay nasa Marawi City, Lanao del Sur at Bukidnon.

Magkahiwalay man, ikinakampanya naman nina Marcos at Duterte ang isa’t isa.

“That is the agreement, to cover more areas. We need to split up and collaborate on certain areas,” dagdag pa ng vice presidential bet.

Ayaw maging kampante ng dalawa sa pangangampanya kahit pa malaki ang kanilang kalamangan sa kani-kanilang kalaban sa paparating na halalan batay sa survey.