COVID-19 vaccine

27M dose ng COVID-19 vaccine nanganganib mag-expire sa Hulyo

218 Views

AABOT umano sa 27 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang maaaring mag-expire sa Hulyo kung hindi ito magagamit.

Kaya naman muling nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III sa publiko na magpabakuna at magpa-booster shot na.

“Time is of the essence. This is why I am calling it out now while there is still time before these vaccines expire,” sabi ni Concepcion.

Bilyun-bilyon ang inutang ng gobyerno para makabili ng bakuna bilang bajagi ng laban kontra COVID-19.

“If we don’t use these vaccines, we will have wasted the Filipino taxpayers’ money. It’s money the Philippines can’t afford to waste,” dagdag pa ni Concepcion.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang noong Marso 30 ay 142.2 milyong dose ng COVID-19 ang naibakuna na. Sa bilang na ito 12 milyon ay ginamit para sa booster shot.