Duterte

Bakunahan nais gawing bahay-bahay ni PRRD

139 Views

UPANG hindi masayang ang mga bakuna laban sa COVID-19, itinulak ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing bahay-bahay ang pagbabakuna lalo na sa mga kanayunan.

“The vaccines are here and ready to be utilized, just in case. A good number ng mga Filipinos remaining, refusing to be vaccinated. Wala na tayong magawa,” sabi ni Duterte. “The most we can do, last minute program, is we embark on a program i-deliver natin ang vaccines sa bahay-bahay sa bukid.”

Nanawagan naman si Duterte sa mga rebelde na hayaan ang mga tauhan ng gobyerno na makapagbakuna sa mga liblib na lugar.

Nauna ng sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na aabot sa 27 milyong COVID-19 vaccine ang mage-expire kung hindi magagamit hanggang sa Hulyo.