DOH

8.9M minor de edad bakunado na laban sa COVID-19

517 Views

UMABOT na sa 8.9 milyon ang bilang ng mga edad 12-17 na nabakunahan na laban sa COVID-19 hanggang noong Marso 24.

Ayon sa Department of Health (DOH) mayroon namang 736,143 bata na edad lima hanggang 11 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Nasa 65 milyong Pilipino na edad 18 pataas naman ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 o kulang ng 5 milyon para maabot ang inisyal na target na 70 milyon.

Hanggang sa Hunyo, ang target na mabakunahan ng gobyerno ay 90 milyon.

Halos 12 milyon naman ang nabigyan na ng booster shot.