DOH

4,131 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa nakalipas na linggo

151 Views

UMABOT sa 4,131 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Marso 7-13.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ay mas mababa ng 35% kumpara sa naitala noong Pebrero 28 hanggang Marso 6.

Sa naturang bilang tatlo lamang ang severe o critical case.

Nadagdagan naman ng 591 ang pumanaw kaugnay ng COVID-19. Sa bilang na ito, 115 ang nasawi ngayong Marso samantalang ang nalalabi ay namatay mula Marso 2020 hanggang Pebrero 2022.

Hindi lamang umano agad naiulat ang karamihan sa mga namatay.

Hinimok naman ng DOH ang mga hindi pa nakakapagpabakuna o nakakapagpa-booster shot na magpabakuna na laban sa COVID-19.