Tiyuhin Wala ng nagawa ang lalaking murder suspek ng siya ay posasan ng kapulisan ng MPD sa harap ng kanyang tahanan sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Pamangkin ‘napatay’ ang tiyuhin noong 2007, timbog

Jon-jon Reyes Oct 30, 2024
40 Views

Tiyuhin1Tiyuhin2Tiyuhin3NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang lalaking murder suspek sa Linampas Street, Bgy 50, Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas Arnel, 49, ng nasabing lugar.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, chief ng Criminal Invistation Section ng MPD, bandang 2:30 p.m. ng Huwebes ng magtungo ang isang impormante sa tanggapan ng Theft and Robbery Investigation Section at nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng akusado.

Agad na kumilos ang mga operatiba sa pangunguna ni PLt. Donald Panaligan kasama ang iba pang mga kapulisan sa pamumuno ni PCol.Orlando Mirando Jr., chief ng DIDM-MPD, at nagsagawa ng isang intelligence-driven na manhunt operation.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Carmelita S. Manai, ng Branch 16 ng Manila RTC.

Ayon sa mga kamag-anak, nagkaroon umano ng alitan ang akusado at kanyang tiyuhin noong 2007.

Hinampas umano ng suspek ang kanyang tiyuhin ng electric fan, na nagresulta sa pagkamatay ng huli.

Dahil dito, noong Disyembre 3, 2007, naglabas ang hukuman ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 07-258061 para sa kasong pagpatay laban sa suspek.

Kasunod ng pagpapalabas ng warrant, ang akusado ay nagtago umano ng 17 taon sa Sulat, Eastern Samar.