Bagyo

PBBM palalaakasin pa disaster risk reduction efforts

Chona Yu Nov 1, 2024
37 Views

PAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang disaster risk reduction (DRR) efforts sa local at national level.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos malubog sa baha ang ibat ibang bahagi ng bansa bunsod ng mga nagdaang bagyo.

Sa vlog ni Pangulong Marcos, sinabi nito na milyong katao ang naapektuhan ng nagdaang bagyo at bilyong halaga ng imprastraktura at agrikultura ang nasira.

Paliwanag ni Pangulong Marcos, dulot ito ng matinding climate change.

“Ang mabilis na pagresponde sa mga nasalanta ay mananatiling prayoridad na tin. Kasama ang DSWD, DND, DPWH, DILG at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, maaasahan ninyong pagtitibayin pa ang ating national at local disaster risk reduction at response,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kaya kailangan natin maging magaling sa larangan na ito. Disaster risk reduction, both the public at saka private sector. Para naman mabawasan ang mga napapahamak sa mga ganitong uri ng sakuna (We need to be good in this field. Disaster risk reduction, both the public and private sector. In order to reduce the casualties from these types of disasters),” dagdag ng Pangulo.

Nasa 20 bagyo ang karaniwang tumatama sa bansa kada taon.

Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na nakahanda ang pamahalaan na umayuda sa mga nasalanta ng bagyo.

“Naririnig namin ang inyong saklolo at ginagawa namin ang lahat upang mailagay kayo sa mas mabuting kalagayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sa isang Bagong Pilipinas, lalo pa natin pagbubutihin ang ating pagtugon sa hamon ng climate change,” dagdag ng Pangulo.