Speaker Romualdez Pinangunahan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Congressional Spouses Foundation Inc. President Baby Arenas ang ceremonial na pagsindi ng higanteng Christmas tree sa main lobby ng Kamara de Representatives Lunes ng hapon. Nasa litrato rin sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker Antonio “Tonypet” Albano at ibang opisyal ng CFSI. Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez kinilala congressional spouses sa pagsasagawa ng art exhibit para suportahan healthcare ng mga sundalo, tulungan biktima ng bagyo

Mar Rodriguez Nov 4, 2024
30 Views

KINILALA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Congressional Spouses Foundation Incorporated (CSFI) sa pagbalangkas nito ng “Philippines’ Finest 2024” art and fashion exhibit hindi lamang para ipagdiwang ang pagiging malikhain ng mga Pilipino kundi upang suportahan ang kalusugan ng mga sundalo at matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng exhibit, nagpasalamat si Speaker Romualdez sa CSFI sa kanilang dedikasyon at inisyatiba sa pagsasagawa ng mga proyekto na pakikinabangan ng lipunan.

Ang CSFI ay pinamumunuan ng misis ni Speaker na si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.

“This particular initiative is particularly special promising better health care in the very near future for the brave men and women of the Armed Forces of the Philippines,” ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kinatwan na bumubuo sa Kamara de Representantes.

Ang CSFI exhibit ay naisakatuparan sa katuwang ang Sentro Artista na kinatawan sa event ni Jay Ruiz. Makikita rito ang iba’t ibang likhang sining mga fashion at home accessories na gawa ng mga Pilipino.

Ang kikitain ng exhibit ay gagamitin sa ipinatatayong Casualty and Cancer Care Center sa AFP Medical Center sa Quezon City at ipantutulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga dumalo sa pagbubukas na seremonya na bumili ng artwork upang makatulong sa mga nangangailangan.

“It is one way to express our gratitude for the sacrifices our soldiers make, to ensure that we can sleep soundly at night, knowing we have protectors who keep watch over us,” wika pa ni Speaker Romualdez.

“To the artists and fashion designers participating in this exhibit, thank you for your generosity, for sharing your talent and creativity. Art should embody our collective dreams and aspirations, moving everyone to take action,” dagdag pa nito.

Nagpahayag ng suporta si Speaker Romualdez sa CSFI at sa kanilang dedikasyon na makapagbigay ng serbisyo publiko.

“To the CSFI, please do continue this tradition of public service excellence. Know that these activities have my unqualified backing,” wika pa ng lider ng Kamara.